Bagong secretary-general ng HUDCC, pinangalanan na ng Malacañang

by Radyo La Verdad | November 26, 2018 (Monday) | 9701

Itinalaga na bilang bagong secretary-general ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) na si Marcelino Escalada Jr.

Si Escalada ay ang acting general manager ng National Housing Authority (NHA). Ito na rin ang tatayo bilang pointman ng Marawi rehabilitation project.

Papalitan ni Escalada si dating HUDCC Secretary General Atty. Falconi Millar na inalis sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa isyu ng katiwalian.

Nauna nang ipinangako ng Malacañang na agad na papalitan si Millar at sinabing hindi mahahadlangan ng pag-aalis dito sa pwesto ang mga proyektong pabahay ng pamahalaan.

Tags: , ,