PBBM, tiniyak ang tulong para sa mga napinsala ang bahay dahil sa bagyong Egay

by Radyo La Verdad | July 31, 2023 (Monday) | 2490

METRO MANILA – Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Junior ang tulong para sa mga napinsala ang bahay dahil sa bagyong Egay.

Ayon sa pangulo, may emergency support ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at National Housing Authority (NHA) para sa mga biktima na tuluyan nang nasira ang kanilang mga bahay.

May tulong din aniya para doon sa mga partially damaged ang kanilang mga tahanan.

Mamimigay din aniya ang pamahalaan ng construction materials at pabi-bilisin ang rehabilitation efforts upang makabalik na sa kanilang mga tahanan ang mga nasa evacuation centers.

Tags: ,