Nangako si Vice President Leni Robredo na gagamitin ang kaniyang kapangyarihan upang maipagtanggol ang hudikatura.
Para kay Robredo, banta sa hudikatura ang paghahain ng quo warranto petition laban sa punong mahistrado ng Korte Suprema. Hinikayat rin ni Robredo ang publiko na depensahan ang hudikatura.
Sa supplemental memo na isinumute ni Chief Justice Sereno noong ika- 4 ng Mayo, nanawagan ito sa kanyang mga kasamahan sa Korte Suprema na pag-isipang mabuti ang kanilang magiging boto sa quo warranto case.
Ang magiging resulta nito aniya ay hindi lamang makaaapekto sa kanyang kapalaran kundi pati sa mga susunod na magiging miyembro ng Korte Suprema.
Sa ngayon, wala pang eksaktong petsang inilalabas ang Korte Suprema kung kailangan nila pagbobotohan ang quo warranto petition laban kay CJ Sereno.
( Grace Casin / UNTV Correspondent )
Tags: CJ Sereno, quo warranto petition, VP Robredo