Inihahanda na rin ngayon ng Volunteers Against Crime and Corruption ang mga kasong isasampa laban sa Sanofi Pasteur, ang manufacturer ng Dengvaxia at ang Zuellig Pharma Corporation, ang distributor ng mga bakuna sa Pilipinas.
Malinaw anila na sangkot ang mga ito sa pagsusulong na maibigay ang bakuna sa mga bata kahit hindi sapat ang clinical trial sa anti-dengue vaccine.
Dapat din na magbayad ang Sanofi sa kanilang pananagutan at danyos sa mga batang may kaugnay ang pagkamatay sa Dengvaxia at maging sa mga nabakunahan nito.
Samantala, pag-aaralan naman ng Department of Health kung ano ang magiging hakbang kaugnay ng isinampang administrative case at suspensyon sa serbisyo ng kanilang labing tatlong opisyal
Kabilang dito sina Usec. Gerado Bayugo, Usec. Lilibeth David, Usec. Mario Villeverde, Asec. Lyndon Lee- Suy, Asec. Nestor Santiago, Director Mar Wynn Bello, Director Julius Lecciones at iba pa.
Ayon pa sa kalihim, wala aniyang matibay na batayan ang VACC upang hilingin sa Pangulo na magdeklara ng state of national emergency dahil sa isyu.
( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )
Tags: Dengvaxia, Sanofi at Zuellig Pharma, VACC