Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na labingsiyam na mga batang naturukan ng Dengvaxia ang nasawi dahil sa dengue.
Pero nilinaw ni Health Undersecretary Eric Domingo na pinag-aaralan pa nila kung dahil sa Dengvaxia kaya sila nagka-dengue o kaya ay hindi naging epektibo ang bakuna sa kanila.
Samantala, target ng DOH na maghain na ng kaso sa korte laban sa kumpanyang Sanofi Pasteur ang manufacturer ng Dengvaxia.
Matatandaang Nobyembre 2017, naglabas ng advisory ang Sanofi Pasteur na posibleng magkaroon ng severe dengue ang mga nabakunahan ng Dengvaxia na hindi pa nagkakaroon ng dengue.