Utang ng Pilipinas bumaba ng P81-Billion noong nakaraang Setyembre

by Radyo La Verdad | November 1, 2023 (Wednesday) | 1283

METRO MANILA – Bumaba ang kabuuang utang ng Pilipinas noong buwan ng Setyembre na umabot ng P14.27-T, mas bababa ito ng mahigit na P80-B kumpara noong Agosto, ayon sa Bureau of Treasury.

Ayon sa ahensya, ang pagbaba ay dahil sa paborableng fluctuation ng third currency at net repayment ng mga foreign loans.

Paliwanag ng ahensya, ang domestic debt ng pamahalaan ay umabot sa P9.73-T, mas mababa ito ng 0.6% kumpara sa mga numerong naitala noong Agosto at ito ay dahil sa net redemption ng government securities.

Habang ang foreign debts naman ay umabot sa P4.53-T, mas mababa ng P24.1-B o 0.5% kumpara sa mga numero ng nakaraang buwan.

Mula noong 2016, higit sa doble ang itinaas ng utang ng Pilipinas habang naghahanap ito ng pondo para sa mga malalaking proyekto sa imprastraktura at pandemic response.

Tags: ,