Sasamantalahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakataon sa Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC Summit upang matalakay ang usapin sa pinag-aagawang teritoryo.
Ayon sa Pangulo, tatanungin niya si Chinese President Xi Jin Ping kaugnay ng plano nito sa West Philippine Sea. Posible umano niya itong buksan sa bilateral meeting o sa plenary session.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa talumpati kahapon ng hapon bago ito tumulak patungong Vietnam para sa APEC Leaders’ Meeting.
Ngunit ayon sa Pangulo, iiwasan niya ang komprontasyon dahil posibleng magsimula ito ng gulo.
( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )
Tags: Chinese Pres. Xi Jinping, Pangulong Duterte, West Philippine Sea