UNTV Cup Season 10 Playoffs, kasado na kasunod ng second round eliminations

by Radyo La Verdad | February 17, 2024 (Saturday) | 5755

METRO MANILA – Sa 14 na koponang kasali sa 10th season ng UNTV Cup, 8 na lamang ang natitirang makikipagtagisan upang hiranging kampeon ng naturang sports and charity league.

Matapos ang 2nd round eliminations ng liga noong February 14, 2024, nakatikim ng unang playoff appearance ang SSS Kabalikat at ika-2 naman sa Agriculture Food Master na kapwa makakakuha ng automatic semifinal slot dahil sa kanilang top 1&2 finish na may 8-3 win-loss record.

Dahil sa semis advantage ay mag-aabang ang SSS at DA ng kanilang makakalaban sa gagawing round-robin quarterfinal eliminations ng mga koponang nakaupo sa top 3-8 ng team standings na kinabibilangan ng defending champion AFP Cavaliers (8-3), NHA Home Masters (7-4), DENR Warriors (7-4), Senate Defenders (6-5), Ombudsman Graftbusters (6-5), at GSIS Furies (5-6) na mag-uumpisa sa February 18, 2024.

Kasabay ng pagpasok ng walong koponan sa playoffs ay magpapaalam naman sa liga ng public servants ang dating playoff contenders na PNP Responders at OP-PMS Trailblazers na nakapagtala ng 4-7 na kartada.

Samantala nauna nang na-eliminate noong first round ang rookie teams COMELEC Vanguards, DFA Emissaries, returning team DOJ Beacons, at ang Season 9 Runner-up Judiciary Magis.

(Judren Soriano | La Verdad Correspondent)

Tags: