METRO MANILA – Matapos ang deadline kahapon (July 25), made-deactivate na ang mga hindi naparehistrong SIM, ngunit ang mga gumamit nito ay may 5 araw para sa “reactivation.”
Ito ang sinabi ni Department of Information and Communication Technology Sec. Ivan John Uy base sa implementing rules and regulations ng SIM registration act.
Nakasaad sa naturang batas na kapag nabigo na maiparehistro ang sim sa itinakdang deadline ay awtomatikong “deactivated” ito.
Hanggang noong Lunes (July 24), ayon sa kagawaran ang kabuuang bilang ng nairehistrong SIM ay 105,917,844.
Ang Smart communications ay may mahigit 49M na subscribers.
Mahigit 48M sa Globe, at lagpas 7M subscribers sa Dito.
Tags: SIM Registration