Deactivation ng unregistered SIMs, sisimulan sa July 26 – DICT

by Radyo La Verdad | July 24, 2023 (Monday) | 2831

METRO MANILA – Sisimulan na ng pamahalaan ang deactivation ng unregistered mobile numbers simula sa July 26.

Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), sapat na ang panahong ibinigay sa mga subcriber upang irehistro ang kanilang mga SIM.

Giit ng DICT wala nang ibigay pang extension sa SIM registration, na magtatapos sa July 25.

Ang mga subscriber na hindi makakapagparehistro ng SIM, ay magsisimulang ma-deactivate pagpatak ng alas-12 ng umaga ng July 26.

Ibig sabihin mawawala na silang ng access sa tawag, text message at data connection.

Base sa datos ng DICT, sa ngayon ay mayroon nang mahigit sa 168 million mobile subscribers ang nakapagparehistro na ng SIM, 4 na araw bago ang deadline ng SIM registration.

Tags: ,