Universal Health Care Act, nakatakdang pirmahan ni Duterte ngayong araw

by Jeck Deocampo | February 20, 2019 (Wednesday) | 13150

MANILA, Philippines – Nakatakdang pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ang Universal Health Care Act batay sa abiso na ibinigay ng Malacañang.

Layon ng Universal Health Care Bill na mas maging malawak ang health coverage ng mga Pilipino sa pamamagitan ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) na magiging Philippine Health Security Corporation.

Ibig sabihin, bawat Pilipino ay magkakaroon ng karapatan na makinabang sa National Health Security Program.

Bukod dito, may ceremonial signing din si Pangulong Duterte sa Revised Corporation Code. Mayroon ding presentation ng Social Security Act of 2018, Philippine Sports Training Center Act, at iba pa mamayang hapon.

Tags: , , , , ,