Benefit package para sa sakit na Pertussis, inanunsyo ng PhilHealth

by Radyo La Verdad | April 8, 2024 (Monday) | 2120

METRO MANILA – Inianunsyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na may P13,000 na benefit package ang ahensya para sa sakit na Pertussis.

Sakop anila  ang nasa P13,000 hanggang P16,000 na case rate ng kanilang konsulta package sakaling ma-admit sa ospital ang isang pasyenteng may Pertussis o Whooping Cough .

Bukod pa ito sa magiging gastos para sa antibiotics.

Ang konsulta package ng PhilHealth, ay ang primary health care program ng ahensya na nag-o-offer ng libreng consultation, laboratory tests at mga gamot.

Dagdag pa ng PhilHealth, sakaling mag-develop sa Pneumonia ang sakit ng pasyente maaari rin silang makapag-avail ng case rate package na aabot sa P90,000.

Tags: , ,