Unified Ticketing System sa LRT Line 1 at Line 2 ipinatutupad na

by Radyo La Verdad | August 17, 2015 (Monday) | 2021

ABAYA
Matapos ang ilang serye ng mga public testing, ipinatupad na ang Unified Ticketing System sa LRT Line 1 at Line 2

Marami na sa mga regular na pasahero ng LRT ang gumagamit ng beep card

Ang mga beep card na nabili sa alinmang istasyon ng LRT ay maaari ng magamit sa Line 1 at Line 2.

Bagamat ilang buwan na ang nakalilipas mula ng ilunsad ang bagong ticketing system, marami pa ang nalilito at nagkakaproblema sa paggamit ng beep card

Kung gamit ang beep card, kailangan lamang itong itapat sa sensor at hintaying basahin ito ng computer

Makikita sa monitor na tinanggap na ang card at kung ilan na lamang ang natitirang load

Dahil unified na ang sistema, maaari ng magpaload sa alinmang istasyon ng LRT sa pamamagitan ng vending machine

Kung magka-problema sa ticket dalhin agad sa counter upang maayos

Sa ngayon, sa Southbound pa lamang ng LRT Line 1 magagamit ang beep card dahil hindi pa tapos ang installations ng mga turnstiles sa Northbound Lane. ( Mon Jocson / UNTV News)

Tags: