Taas-pasahe sa mga linya ng tren sa NCR, asahan na – DOTr

by Radyo La Verdad | November 15, 2022 (Tuesday) | 2427

METRO MANILA – Hindi pa naisasapinal ng Department of Transportation (DOTr) ang desisyon nito kaugnay sa petisyon ng pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 at 2 na taasan ang pasahe .

Base sa hiling ng mga ito, nais nilang  taasan ng nasa P5 ang kasalukuyang minimum fare nito na P11.

Paliwanag ni Transportation Secretary Jaime Bautista, mahalaga ang dagdag pasahe na  ito para sa patuloy na pagbibigay ng maayos na serbisyo sa mga pasahero ang mga linya ng tren.

Ayon sa DOTr, kung aaprubahan ang taas pasahe sa mga naturang linya ng tren ay hindi na rin malayong sumunod na rin dito  ang iba pang railway system.

Tags: ,