Unemployment rate ng bansa, bumaba sa 19.1% sa unang quarter ng 2015

by dennis | April 30, 2015 (Thursday) | 1909
File photo: UNTVweb.com
File photo: UNTVweb.com

Umabot sa 9 milyon ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa unang quarter ng 2015.

Batay ito sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong Marso 20 hanggang 23 na nilahukan ng 1,200 respondents na edad 18 pataas.

Katumbas ito ng 19.1% na joblessness rate na pinakamababa naman simula noong 2010.
Nitong huling bahagi ng 2014, tumaas pa sa 27% ang joblessness rate na katumbas naman ng 12.4 milyong Pilipino.

Sa 19.1% joblessness rate o 9 milyong Pinoy:
7% o 3.2 milyon ang kusang umalis sa kanilang trabaho; 8% o 3.7 milyon ang natanggal, at 4% o 2.1 milyon ang mga bagong graduate o first-time job seekers.

Tags: , ,