Surveyor na lamang mula sa Vietnam ang hinihintay ng Philippine Coast Guard sa Legazpi City, Albay upang magsagawa ng underwater hull inspection hinggil sa sumadsad na MV Ocean 03 sa Albay Gulf nitong nakaraang Martes.
Alas-siete ng umaga ng Martes habang paapaalis na sa Legazpi City Port ang Vietnamese Vessel matapos na maghatid na bigas ay sumadsad ito sa Denson Reef na sakop ng Albay Gulf.
Ang MV Ocean 03 ay pagmamay-ari ng Hoang Anh Shipping Joint Stock Company na may lulan na 21 Vietnamese Nationals.
Ayon sa Philippine Coast Guard Legazpi City hindi muna nila pinapayagang makaalis ang Vietnemese Vessel hangga’t hindi natatapos ang kanilang imbestigasyon hinggil sa nangyari
Bukas darating ang isang panibagong sasakyan mula sa Vietnam na magsasagawa ng underwater hull inspection upang malaman ang laki ng pinsalang idinulot ng pagsadsad ng MV Ocean 03 sa Denson Reef.
Tags: Hoang Anh Shipping Joint Stock Company, MV Ocean 03, Philippine Coast Guard