Pangulong Duterte, itinalaga bilang bagong PCG Commandant si Vice Admiral Joel Garcia

by Erika Endraca | October 23, 2019 (Wednesday) | 9533

METRO MANILA, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang susunod na commandant ng Philippine Coast Guard  (PCG) si Vice Admiral Joel Garcia.

Ayon kay Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, nilagdaan ng Punong Ehekutibo ang appointment paper ni Garcia Kahapon (October 22), at pormal nitong papalitan sa pwesto si Admiral Elson Hermogino sa Huwebes. Si Garcia ang kasalukuyang Deputy Commandant For Administration ng coast guard.

Tiwala naman ang palasyo sa kakayahan ni Garcia na pamunuan ang PCG dahil sa lawak ng kaalaman at karanasan nito gayundin ang kaniyang integridad bilang opisyal ng organisasyon. Si garcia ang magsisilbing pang 28th commandant ng Philippine Coast Guard.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: