Unang Ulat sa Bayan ni Pres. Bongbong Marcos Jr., ngayong araw na

by Radyo La Verdad | July 25, 2022 (Monday) | 8126

METRO MANILA – Ngayong araw na ang kauna-unahang ulat sa bayan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Junior, eksaktong 25 araw matapos ang kanyang inagurasyon bilang ika-17 pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Ayon kay Attorney Vic Rodriguez, ang Executive Secretary ni Pangulong Bongbong, si PBBM mismo ang nagsulat ng magiging talumpati nya mamayang hapon.

Inaasahang sesentro ang talumpati ng pangulo ang mga plano ng kanyang administrasyon sa ekonomiya ng bansa, ang pagbangon mula sa epekto ng pandemya, pagtaas ng presyo ng mga bilihin maging ng langis, at ang napipintong krisis sa pagkain.

Asahan ding sa pinaghalong wikang Filipino at Ingles ang talumpati ng presidente.

Ang araw ng SONA ni Pangulong Marcos Junior ay sya ring araw ng pormal na pagbubukas ng ika-19 na Kongreso ng bansa.

Si Marcos Junior ay naging pangulo ng Pilipinas, 36 na taon matapos ang termino ng kanyang ama bilang presidente ng bansa, na sya namang ika-10 punong ehekutibo ng mamamayang Pilipino.

Tags: