Pinayagang makalapit sa Batasan sa kauna-unahang pagkakataon ang mga raliyista mula sa iba’t ibang probinsya sa bansa.
Sa kauna-unahan ring pagkakataon, walang gulo na nangyari sa pagitan ng mga pulis at raliyista.
Tahimik na pinanonood ng mga pulis ang programang isinagawa ng mga raliyista.
Wala ring barikadang container van at mga barb wire sa pagitan ng pulis at raliyista.
Si Chief PNP Ronald dela Rosa, nakipag-selfie pa sa mga raliyista habang iniinspection ang mga tauhan sa ground.
Umakyat din siya sa entablado at nanawagan ng suporta para sa isang matahimik na SONA.
Ipinaalis din ni Chief PNP ang tranchon o kalasag ng mga pulis na bitbit ng mga ito at inutusang mag relax na lamang.
Ayon kay Gen. Dela Rosa nakipagusap din sya kay Bayan Secretary General Renato Reyes at ibinigay nya ang hiningi ng mga ito na makalapit sa Batasan kaya’t inaasahan na nila ang mapayapang pagtatapos ng SONA.
Samantala, bukod sa mga naka-antabay na ambulansya ng local government unit sa Batasan, naka-stand by din ang 911 UNTV Rescue upang agad na magbigay tulong sa mga nangangailangan.
(Lea Ylagan/UNTV Radio)