Unang batch ng mga nasakop ng K-12 program, magtatapos na sa susunod na taon

by Radyo La Verdad | December 6, 2017 (Wednesday) | 11811

Ikinukunsidera ng pamahalaan na naging matagumpay ang pagpapatupad ng K-12 program ng Department of Education sa bansa sa kabila ng mga pagtutol at pagtuligsa ng ilang grupo, lalo na’t magtatapos na sa March 2018 ang mga kabataang kasama sa unang batch nito.

Tiniyak naman ng Commission on Higher Education na handa na rin sila sa pagpasok ng mga estudyanteng ito sa kolehiyo sa susunod na taon.

Sila rin ang unang recipients ng libreng edukasyon sa mga state colleges and universities sa bansa alinsunod na rin sa pinirmahang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte noong August 3, 2017 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

Ayon kay Ched Chairperson Patricia Licuanan, sigurado silang maipatutupad ito ng maayos lalo na’t handa na ang implementing rules and regulations ng naturang batas.

Handa rin ang TESDA na tumanggap ng mga estudyanteng papasok sa mga training centers dahil kilala sila sa buong mundo sa pagbibigay ng kalidad na skills training sa mga Pilipino.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

Tags: , ,