Unang bahagi ng dagdag na sahod ng mga empleyado ng gobyerno, posibleng maipatupad ayon sa DBM

by Radyo La Verdad | February 4, 2016 (Thursday) | 1510

butch-abad
Umaasa ang Department of Budget and Management sa posibleng pagpapatupad ng paunang dagdag o Tranche 1 ng sahod ng mga empleyado ng gobyerno.

Ayon kay Budget Secretary Butch Abad, inihahanda na nila ang kanilang rekomendasyon kay Pangulong Aquino para sa Tranche 1 o unang bigay ng dagdag na sahod base sa panukalang Salary Standardization Law ng 2015.

Mayroon naman aniyang kapangyarihan ang Ehekutibo na payagan ito batay sa nakasaad sa Sec.13 ng Presidential Decree No. 985. at Item 17 ng Congress Joint Resolution No. 4 ng 2009.

Ani Abad, ang P57.9B na nakasama sa 2016 General Appropriations Act ay maaaring magamit para dito.

Plano din anila na isama ang ikalawang bahagi o 2nd Tranche sa National Expenditure Program o NEP ng 2017 sa pamamahala ng bagaong adminsitrasyon.

Ang panukalang SSL 4 ay nakabinbin pa rin sa Bicameral Conference Committee dahil sa isyu ng pensyon ng mga retiradong sundalo at uniformed personnel.

Tags: , ,