METRO MANILA – Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior sa Malakanyang ang pambansang budget para sa susunod na taon na nagkakahalaga ng P5.76-T.
Ayon kay Pangulong Marcos, nakapaloob sa 2024 General Appropriations Act ang mga hakbang ng pamahalaan upang malabanan ang kahirapan.
Kasunod ng paglagda sa budget, may paalala naman si PBBM para sa mga gagamit ng pondo ng bansa.
Ang education sector ang may pinakamalaki pa ring budget na nagkakahalaga ng P924.7-B kung saan ang Department of Education (DepEd) ay may P758.6-B budget.
Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, P10.2-B ang idinagdag na budget para sa security cluster para mapalakas rin ang pagbabantay sa West Philippine Sea (WPS).
Kabilang naman sa tinanggal ng Kongreso sa 2024 budget ang confidential funds ng mga civilian agency kasama ang DepEd.
Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman, walang direktang vinetoe ang pangulo sa 2024 national budget.
Tags: 2024 National Budget, DBM