Umento sa sahod ng mga public school teachers, ipinangako ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | May 7, 2018 (Monday) | 2525

Bilang anak ng isang guro, alam umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghihirap ng mga public school teachers sa bansa.

Kaya naman pangako ng pangulo sa mga ito ang umento sa kanilang mga sahod kasunod ng sa mga uniformed personnel sa bansa.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa kanyang speech sa ginanap na 37th Principals Training and Development Program and National Board Conference sa Davao City noong Biyernes.

Ngunit ayon sa pangulo, hindi pa aniya kaya ng pondo ng bansa na doblehin ang sweldo ng mga guro, tulad ng ibinigay sa mga pulis at sundalo.

Sa isang pahayag naman na inilabas ng ACT Teachers Partylist, sinabi ng mga ito na dapat ay hindi matapos lamang sa mga pangako ang pahayag ng pangulo kaugnay ng umento sa sahod ng guro.

Dapat anilang magbigay ng marching orders si Pangulong Duterte kay Department of Budget and Management Secretary Benjamin Diokno upang maisama na sa 2019 Proposed National Budget  ang pondo para sa wage hike ng mga guro.

 

( Janice Ingente / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,