Umento sa sahod, magkakaroon ng epekto sa PH inflation – ECOP

by Radyo La Verdad | February 16, 2024 (Friday) | 3251

METRO MANILA – Nagbabala ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na posibleng magkaroon ng epekto sa inflation rate ng Pilipinas ang panukalang umento sa arawang sahod ng manggagawang Pilipino.

Maaari umanong ipatong ng mga kumpanya ang magiging cost ng wage increase sa kanilang mga produkto nila.

Dahil dito, asahan ang pagkakaroon ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin na makakaapekto rin naman sa mga magsasaka at iba pang sektor.

Isinusulong ngayon sa Kongreso ang panukalang P100 across-the-board increase sa daily minimum wage ng mga manggagawa.

Tags: , ,