Nilinaw ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na walang basehan ang lumabas na ulat kaugnay nang umano’y plano ng Estados Unidos na magsagawa ng airstrike sa Marawi City.
Tinawag pa ito ng kalihim na umano’y fake news nang humarap ito sa pagdinig ng Kamara sa panukalang pondo ng Department of National Defense. Hindi rin aniya maaring magsagawa ng air strike ang US sa Pilipinas batay sa nakasaad sa mutual defense treaty sa pagitan ng dalawang bansa.
Una ng lumabas sa ulat ng isang News Agency sa Estados Unidos na plano ng Pentagon na payagan ang US military na magsagawa ng air offense sa Marawi City bilang tulong sa Pilipinas sa laban nito sa ISIS-inspired Maute terrorists sa lugar.
(Grace Casin / UNTV Correspondent)