DSWD, nagbabala laban sa kumakalat na Tiktok post

by Radyo La Verdad | June 17, 2024 (Monday) | 6140

METRO MANILA – Pinabulaanan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kumakalat na video sa Tiktok kung saan nagbibigay umano ang kagawaran ng educational assistance sa mga ma-gaaral buong bansa.

Pinapayuhan ng kagawaran ang publiko na huwag magpapaloko sa naturang post.

Nilinaw din ng DSWD na hindi sila nanghihingi ng personal information online para sa aplikasyon ng educational assistance dahil labag ito sa data privacy act.

Hinihikayat ang lahat na i-report ang account na Philipine Go Today sa Tiktok na siyang nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa programa at serbisyo ng kagawaran pati na rin ng ibang ahensiya.

Tags: , ,