Umano’y audio recording ukol sa Mamasapano incident, handang tanggapin ni Sen. Poe sa komite

by Radyo La Verdad | January 26, 2016 (Tuesday) | 8126

SEN-POE
Payag si Senador Grace Poe na tanggapin ang sinasabing hawak na ebidensya na audio recording si retired Police General Diosdado Valeroso ukol sa Mamasapano incident

Naunang inihayag ni Valeroso na may mambabatas at opisyal ng pamahalaan na magkausap sa nasabing audio recording.

Ayon naman kay Senate President Franklin Drilon kung ang tinutukoy ni General Valeroso ay sina Peace Process Secretary Terisita Deles at Senator Bongbong Marcos , di na ito bago

Dagdag pa ni Drilon dapat malaman ng lahat na may umiiral na anti-wiretapping lawat labag sa batas ang hindi otorisadong pagrerecord.

Hindi rin ito maaring tanggapin bilang ebidensya sa korte

“ But let me just remind Valeroso that under Republic Act 4200 the un authorized recording of conversation is unlawful, punishable by 6 months to 1 year, not only the unauthorized recording but possesion of such unauthorized recording is also unlawful but also communicating this unatuhorized recording is also unlawful.” Pahayag ni Senate President Franklin Drilon

Nilinaw naman ni Drilon na wala syang layon na sikilin ang sinoman ukol sa nasabing audio recording issue at ipinauubaya na nya sa komite ang desisyon.

(Bryan de Paz/UNTV News)

Tags: , ,