Mga kababaihang tatakbong senador sa 2019, nangunguna sa pre-election survey ng Pulse Asia

by Radyo La Verdad | September 25, 2018 (Tuesday) | 39361

Nasa top 5 ng pinaka-latest na Pulse Asia Survey ang limang kababaihang tatakbong senador sa 2019 senatorial elections.

Nangunguna sa survey si Senador Grace Poe na may voter preference na 70.1%, second to third si Senator Cynthia Villar na may 57.7%, 2nd to fourth place si Taguig City Representative Pia Cayetano na may 54.4%, third to fourth place si Senator Nancy Binay na may 50.6% at nasa fifth to sixth place si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na may 39.5%.

Pasok rin sa pre-election survey sina Senator Juan Edgardo Angara, dating Senador Jinggoy Estrada, Ilocos Norte Governor Imee Marcos, Senator Aquilino Pimentel, former Senator Lito Lapid at Sergio Osmeña III.

Habang nasa 11th hanggang 17th place naman ang posisyon sina former Interior Secretary Manuel Roxas II, ang aktor na si Robin Padilla, ang brodkaster na si Ramon Tulfo, BuCor Chief Ronald Bato Dela Rosa at Senator JV Ejercito.

Kabilang rin sa survey ang iba pang opposition senatoriables na si Agot Isidro, dating Congressman Erin Tañada, Magdalo Representative Gary Alejano, ang singer na si Jim Paredes at iba pa.

Samantala, hindi pasok sa top 12 ang ilan sa mga posibleng senatoriable ng PDP Laban gaya nina SAP Bong Go, Presidential Political Adviser Francis Tolentino, Presidential Spokesperson Harry Roque, aktor na si Monsour Del Rosario at iba pa.

Samantala, ikinalungot naman ni Senator JV Ejercito ang resulta ng survey at sinabing apektado siya nang hindi paggamit ng apelyidong Estrada.

Aniya, nakaapekto ito dahil mas kilala ng mga tao ang apelyidong Estrada kaysa sa Ejercito.

Ikinatuwa naman ni Senator Nancy Binay ang resulta ng survey.

Nanawagan naman si Presidential Spokesperson Harry Roque na isaalang-alang ang qualifications ng mga tatakbo sa 2019 national elections.

Ang survey ay ginawa sa buong bansa sa halos dalawang libong mga registered voters na may edad labing walong taong gulang pataas.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

Tags: , ,