Inihayag noong nakaraang linggo ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano na blacklisted sa bansang Korea ang Hyundai Heavy Industries o HHI dahil sa bribery scandal na kinasangkutan nito noong 2013.
Ang HHI ang napiling bidder ng nakalipas na administrasyon na para sa frigate acquisition project ng hukbong Sandatahan ng Pilipinas.
Kaya naman ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, napapanahon na para imbestigahan ang mga sangkot sa nakalipas na administrasyon hinggil sa naturang frigate procurement deal.
Iginiit naman ni Roque na walang pananagutan ang kasalukuyang administrasyon nang ipagkaloob nito ang Notice of Award sa HHI.
Naging kontrobersyal din ang naturang frigate procurement deal matapos madawit ang pangalan ni Special Assistant to the President Bong Go dahil sa alegasyong intervention umano nito sa pagpili ng isa sa mga subcontractor para sa combat management system ng naturang barko.
Subalit batay sa isinagawang imbestigasyon ng Malacañang ay napatunayan umanong wala itong katotohanan.
Tags: frigate procurement, Korea, Malacañang