Ulat ng umano’y ISIS training camp sa Pilipinas, itinanggi ng Malakanyang

by Radyo La Verdad | December 23, 2015 (Wednesday) | 1495

COLOMA
Itinanggi ng Malakanyang ang ulat na lumabas sa isang foreign online news na may training camp na umano ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS sa Pilipinas.

Ayon sa pahayag ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr. mismong si National Security Adviser Sec. Cesar Garcia ang nag kumpirma na walang kampo ng ISIS sa bansa.

Dagdag pa nito, ginagamit lamang ng mga isis-linked personality ang mga bandido at terorista sa mindanao upang maiugnay sa ISIS.

Ayon pa sa opisyal, ang iba sa kanila na kakaunti lamang ang bilang ay nais lamang makapagtago sa kampo ng mga locale terrorist.

Una nang binanggit sa intelligence reports ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na walang seryosong banta ng terorismo sa bansa.

Tags: , , , ,