Isasapubliko na sa susunod linggo ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang ulat hinggil sa engkwentro sa mamasapano, maguindanao noong Enero 25.
Ayon kay Sen. Grace Poe, chairperson ng naturang komite, ibinatay ang ulat sa limang public hearing, limang executive session, 73 diskusyong dinaluhan ng 37 resource persons, mga ahensya at mahigit 4,300 pahina ng mga dokumento.
Sinabi pa ng senadora na wala anya silang sisinuhin sa ilalabas na rekomendasyon hinggil sa mga dapat na managot.
Matatandaan na naging kontrobersyal ang engkwentro dahil bukod sa umiiral na peace talks sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF), isyu rin ang kawalan umano ng koordinasyon ng PNP-Special Action Force (SAF) sa mga kinauukulan at pagkakadawit ng noo’y suspendidong hepe ng PNP na si Gen. Alan Purisima maging ni Pangulong Noynoy Aquino.
Tags: Alan Purisima, Mamasapano, MILF, Pangulong Aquino, Pnoy, PNP-SAF, Sen. Grace Poe, Senate