Nakakaalarma ang ulat na pagsusulong ng revotionary government ng ilang opisyal ng pamahalaan ayon kay Vice President Leni Robredo.
Kasabay ng panggunita sa ika-154 kaarawan ng ama ng Philippine Revolution na si Andres Bonifacio ngayong araw, nakakasa rin ang mga kilos-protesta para hikayatin si Pangulong Rorigo Duterte na ideklara ang pagkakaroon ng revolutionary government.
Muli namang binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ayaw ni Pangulong Duterte ng revolutionary government.
Nanawagan din ang Malakanyang na gawing mapayapa ang isasagawang mga demonstrasyon ngayong araw.