
METRO MANILA, Philippines – Tinawag ni Vice President Leni Robredo na fake news ang kumakalat na balita sa social media na magbibitiw umano siya sa pwesto kapag walang miyembro sa otso diretso ang mananalo sa senatorial race.
Sa facebook post ng Pangalawang Pangulo, pinabulaanan niya ang isyu kasabay ng panawagang labanan ang fake news.
Sa katatapos lang na bilangan ng boto sa 2019 midterm elections, walang sinuman sa mga kandidato ng oposisyon ang nanalo sa karera sa pagka-senador.
(Grace Casin | UNTV News)
Tags: fake news, VP Leni Robredo
METRO MANILA – Pinabulaanan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kumakalat na video sa Tiktok kung saan nagbibigay umano ang kagawaran ng educational assistance sa mga ma-gaaral buong bansa.
Pinapayuhan ng kagawaran ang publiko na huwag magpapaloko sa naturang post.
Nilinaw din ng DSWD na hindi sila nanghihingi ng personal information online para sa aplikasyon ng educational assistance dahil labag ito sa data privacy act.
Hinihikayat ang lahat na i-report ang account na Philipine Go Today sa Tiktok na siyang nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa programa at serbisyo ng kagawaran pati na rin ng ibang ahensiya.
METRO MANILA – Nagsanib pwersa na ang Presidential Communications Office (PCO) at ang mga malalaking social media company sa bansa para labanan ang pagpapakalat ng misinformation o fake news sa bansa.
Kabilang sa mga nakiisang socmed giants ang mga kumpanyang Meta, Google, at Tiktok na kapwa nagpahayag ng kanilang suporta sa adhikain ng pamahalaan.
Binigyang-diin ni pco undersecretary for digital media services emerald ridao ang layunin ng gobyerno na matuldukan na ang misinformation at disinformation laban sa mga programa ng pamahalaan at iba’t
ibang indibidwal sa ‘digital sphere’.Naniniwala naman ang opisyal na magagawa ito sa tulong ng socmed giants sa bansa.
Tags: fake news, SocMed Giant
METRO MANILA – Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi totoo ang kumakalat na link hinggil sa umano’y new year’s gift na ipamimigay ng ahensya kapalit ang pagsagot sa isang survey questionnaire.
Payo ng DSWD sa publiko, mag-ingat sa mga manloloko, at huwag basta maniniwala sa mga post o link na hindi galing sa official page ng ahensya.
Para sa kumpletong listahan ng official social media accounts ng dswd bisitahin lamang ang kanilang facebook page.