METRO MANILA – Nakatakdang magkaroon ng bilateral meeting si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay United States President Joe Biden sa white house sa May 1.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), mananatili si PBBM sa Washington D.C., mula April 30 hanggang May 4, 2023 kung saan una sa kanyang itinerary ang pulong kasama ang U.S president.
Susundan ito ng isang expanded meeting kasama ang ilang miyembro ng gabinete.
Dagdag ng ahensya, layon ng pulong na pagtibayin ang pagkakaibigan at alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos.
kabilang rito ang pagpapalalim sa relasyon ng 2 bansa pagdating sa politika, socio-economic partnerships at pagpapabuti sa defense at security cooperation.
Inaasahan anila na isusulong ng pangulo ang ilang development priorities ng Pilipinas at pagpapalakas sa ugnayan ng 2 bansa sa larangan ng agrikultura, enerhiya, climate change, digital transformation and technology, at iba pa.
Kinumpirma rin ng White House ang naturang pulong at sinabing muling pagtitibayin ni President Biden ang commitment ng Estados Unidos sa pagdepensa sa Pilipinas.
Tags: PBBM, Pres. Biden, US