Tulong sa mga naapektuhan ng pandemya, magpapatuloy ayon kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.

by Radyo La Verdad | April 20, 2023 (Thursday) | 7987

METRO MANILA – Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior na patuloy na hahanap ng paraan ang pamahalaan upang matulungan ang mga naapektuhan ng pandemya.

Ito ay kahit pa tapusin na rin ng bansa ang COVID-19 National Emergency, gaya ng ginawa ng Estados Unidos.

Ang pahayag ng pangulo, ay bahagi ng kaniyang talumpati nitong Miyerkules, April 19 sa Bulacan, kung saan pinangunahan niya ang pagbibigay ng tulong sa ilang residente at grupo ng magsasaka.

“Kaya’t ito ang aming paraan upang ‘yung ating mga nakikita, na hanggang ngayon ay nangangailangan pa rin ng tulong ay tinitiyak namin na ang pamahalaan naman ay nandito upang tulungan kayong lahat, upang tiyakin na kahit papaano mayroon tayong pantawid, mayroon tayong TUPAD, mayroon tayong AICS, ‘yan po ang aming mga — pati ilang mga iba’t ibang klaseng emergency funding hangga’t maaari ay kung nangangailangan ay talagang hahanapan at hahanapan namin ng paraan.” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Junior

Tags: , , ,