Tubo na may lumalabas na mabahong likido sa Boracay, huhukayin ng LGU

by Radyo La Verdad | May 3, 2018 (Thursday) | 4097

Pinulong ng mga kinatawan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Local Government Unit (LGU) ang mga residente ng Sitio Manggayad kahapon.

Ito ay upang pag-usapan ang tubong nakita sa White Beach ng Station 2 na naglalabas ng mabaho at maitim na tubig.

Ayon sa mga residente ng Sitio Manggayad, taong 2008 nang humingi sila ng tulong sa barangay officials upang makapaglagay ng tubo kung saan maaaring dumaloy ang tubig ulan na nagiging sanhi ng pagbaha sa kanilang lugar.

Gayunman, isinara na umano ito noong nakaraang taon dahil nagiging sagabal na sa mga dumadaang sasakyan.

Ayon sa  LGU, maliit lang ang sewege tank ng naturang compound at hindi kayang i-accommodate ang mahigit anim na raang occupants. Kaya posibleng napuno na ito at nagleak kaya may lumabas na maitim at mabahong tubig.

Bihira lang din umano magpasipsip o magsagawa ng siphoning sa sewage tank dahil mahal ang singil.

Bunsod nito, inirekomenda ng DENR at LGU ng malay na hukayin na lang ang tubo. Sa ganitong paraan ay maaaring matutukoy nila ang pinagmumulan ng mabahong likido.

Samantala, wala pang inilabas na resulta ng lab test ang Environment Bureau sa kinuhang water sample mula tubo.

 

( Lalaine Moreno / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,