TRO kontra TRAIN Law, hiniling ng Makabayan bloc sa Korte Suprema

by Radyo La Verdad | January 12, 2018 (Friday) | 3688

Walang quorum nang ratipikahan ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o Train Law sa mababang kapulungan ng kongreso noong December 13, 2017.

Hindi rin nabigyan ng mayorya ng pagkakataon ang ibang miyembro ng kongreso na kwestyunin ito, ito pinaninindigan ng Makabayan bloc sa Korte Suprema kaya’t nais nilang ipatigil ang implementasyon ng TRAIN Law ng adminstrasyong Duterte.

Kahapon, pormal nang naghain sa Korte Suprema sina Nina Rep. Carlos Zarate ng Bayan Muna, Act Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio at Anak Pawis Rep. Ariel Casilao ng petisyon laban dito.

Bukod sa maling proseso, pag-aaralan din ng Makabayan bloc kung merong butas ang naturang batas saka sila muling maghahain muli ng panibagong petisyon.

Tiwala naman ang Malakanyang na hindi kakatigan ng Korte Suprema ang naturang petisyon at nanindigang walang iregularidad sa pagkakapasa ng batas.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

Tags: , ,