Kailangang may hanapbuhay at mapagkakakitahan ang libu-libong drug dependent matapos ang kanilang rehabilitasyon.
Ito ang nakikitang solusyon ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA upang mapabilis ang paglaban ng pamahalaan sa illegal drugs.
Dahil dito bubuksan ng TESDA ang kanilang mga training center sa mga drug dependent upang magkaroon sila ng marangal na hanapbuhay at hindi na bumalik sa masamang bisyo.
Pag-aaralan din ng TESDA ang paglalagay ng training facility sa loob ng bilangguan.
Samantala, ngayong araw lumagda ang TESDA at Mindanao State University sa isang memorandum of agreement na naglalayong mapalawak pa ang kaalaman ng mga taga-Mindanao sa vocational at technical course.
Sa pamamagitan nito matutulungan ang mga mahihirap na mga taga-Mindanao na maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay sa tulong ng tesda.
Ang Mindanao State University ay may labing isang campuses na nag-ooffer ng kursong Information Technology, Community Development, Fisheries, Agriculture at Engineering na akma sa mga programa ng TESDA.
(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)
Tags: mga nagbagong buhay na drug dependent, TESDA, Training centers