METRO MANILA – Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Junior na susi sa pag-unlad ng Pilipinas ang pakikipagkalakalan sa ibang mga bansa.
Ito binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa harap ng mga miyembro ng Filipino Chamber of Commerce of Honolulu at Honolulu City Council Trade Mission sa Malacanang kahapon (Feb. 22).
Ilang hakbang na ang isinulong ng Marcos government upang mapaluwag ang foreign investments, tulad na lamang ng pag amiyenda sa public service act, foreign investments act at retail trade liberalization act.
Pinatitignan na rin ng pangulo sa Senado kung papaano aamiyendahan ang Economic Provisions ng 1987 constitution na inaasahang magbibigay daan ng mas maraming pamumuhunanan.
Suportado naman ni Pangulong Marcos ang trade mission ng Hawaii sa Pilipinas at kinikilala ang maaaring maging ambag nito sa ekonomiya ng Pilipinas.
(Nel Maribojoc | UNTV News)
Tags: PBBM, PH Economy