MANILA, Philippines – Mataas na presyo ng bilihin umano at ang Pro-China Stance ng Pangulo ang 2 pinaka dahilan ng pagbaba ng trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa mga mambabatas na kasapi sa Makabayan Bloc sa Kamara, nakatakda na umanong mangyari ito dahil sa epekto ng Train Law sa mga bilihin at ng Rice Tariffication Law sa mga magsasaka.
Gayun din ang sa epekto ng African Swine Fever sa Hog Industry,matinding trapiko sa Metro Manila at ang patuloy na pagyapak ng bansang china sa ating kalayaan at karapatan.
Nakaapekto rin umano ang issue hinggil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA), Ninja Cops at iba pang korupsyon na kinakasangkutan ng ilang matataas na opisyal ng gobyerno.
Ayon kay Bayan Muna Representative Carlos Zarate, sakaling hindi masolusyunan ang mga nabanggit na problema, posibleng bababa pa ang trust rating ng Pangulo.
Sa kabila nito, nananatili namang may pinakamataas na approval at trust rating ang Pangulo sa lahat ng mga public officials sa bansa batay din sa Pulse Asia Survey.
(Vincent Arboleda | UNTV News)