Testimonya ng junior officers ng 6th Infantry ng Philippine Army sa executive session dapat ilabas sa publiko – Trillanes  

by monaliza | March 19, 2015 (Thursday) | 2960

IMAGE_UNTV-News_FEB052015_Antonio-Trillanes

Nais ni Senador Antonio Trillanes IV na ilabas sa publiko ang testimonya ng junior officers ng Philippine Army ukol sa Mamasapano operations sa pagbabalik sesyon ng Senado.

Naniniwala si Trillanes na ang mga ito ang makapagsasabi kung ano ang naging hakbang ni Dating SAF Director Getulio Napeñas.

Iginigiit ng Senador na hindi dapat isisi kay Pangulong Benigno Aquino III  ang pangyayari dahil matagal ng inako ng Pangulo ang responsibilidad.

Sa kasalukuyan, kabilang sa lumagda ng Senador sa Committee report sina Grace Poe, Chiz Escudero, Tito Sotto, Serge Osmena, Koko Pimentel, Bongbong Marcos, Alan Peter Cayetano, Nancy Binay, Ralph Recto, Pia Cayetano, Miriam Santiago,Jinggoy Estrada, Gringo Honasan, Bong Revilla, JV Ejercito, Loren Legarda, Cynthia Villar, Bam Aquino, Sonny Angara at Teofisto Guingona.

Tags: , , ,