TESDA,magbibigay ng 5-libong libreng skills at livelihood training sa asawa at mga anak ng MMDA traffic enforcers

by Radyo La Verdad | March 13, 2017 (Monday) | 3734


Nilagdaan na kanina ng Metropolitan Manila Development Authority at ng Techinical Education and Skills Development Authority ang isang Memorandum of Agreement na magbibigay ng libreng skills at livelihood training sa asawa at mga anak ng MMDA traffic enforcers.

Magkakaloob ang TESDA ng limang libong slot ng scholarship sa asawa at mga anak ng bawat traffic enforcer.

Layon nito na mabigyan ng maayos na trabaho at sapat na kita ang pamilya ng mga ito, upang maiwasan na ang sari-saring isyu ng korupsyon sa kinasasangkutan ng ilang traffic enforcers, tulad ng pangongotong sa mga motorista.

Bukod sa mga traffic enforcer, kasama rin sa mga binigyan ng libreng skills training ang ilang staff ng MMDA.

Ilan sa mga ito sina Aling Concepcion at Aling Rowela, ayon sa kanila magagamit nila ito upang magkaroon ng sideline at karagdagang kaalaman sa pagta-trabaho.

Ayon sa MMDA sa ngayon ay umaabot lamang ng eleven thousand pesos kada buwan ang sweldo ng isang traffic enforcer,

Kaya naman malaking tulong anila ang programang ito upang mabigyan ng karagdagang mapagkakakitaan ang mga empleyado ng mmda.

Ilan sa mga kurso na iniaalok ng TESDA sa MMDA ang food and beverage, house keeping, hotel and restaurant management at iba pa.

Kanina iprisinisinta na sa media ang unang batch ng mga nabigyan ng libreng seminar, na binubuo ng dalawamput-limang staff ng tauhan ng mmda.

Umaasa ang ahensya na sa pamamagitan ng programang ito, ay maiiwasan na ang mga insidente ng pangongotong, na bahagi rin ng kampanya ng pamahalaan upang mawakasan ang isyu ng korupsyon sa hanay ng mga nasa gobyerno.

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,