TESDA, tumanggap na ng aplikasyon ng mga manggagawang sasanayin para sa ‘Build, Build, Build’ projects ng pamahalaan

by Radyo La Verdad | March 1, 2018 (Thursday) | 3744

Dinagsa ng mga nais mag-apply ng trabaho ang jobs fair ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Taguig City. Tatanggap rin ang TESDA ng mga indigenous people, mahihirap at rebel returnees.

Ayon kay TESDA Director General Guiling Mamondiong, 1,000 ang target nilang makuha ngayong taon para maging trabahador sa “Build, Build, Build” projects.

Bukod dito, bukas rin ang jobs fair para sa mga bagong TESDA graduates at sa mga nais mag-enroll sa TESDA skills training.

Mayroong mahigit 70 industrial firms at kompanya na nag-aalok ng trabaho sa binuksang jobs fair ng TESDA.

Pinaka in-demand naman sa TESDA skills training ang may kinalaman sa turismo, construction, Business Process Outsourcing (BPO) industry, agriculture at health and wellness.

Ang enrollment day at jobs fair ay sabay-sabay na isinagawa sa buong bansa.

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,