TESDA, may bakante pang 6,000 scholarship slots para sa mga Bulakenyo

by Radyo La Verdad | October 4, 2017 (Wednesday) | 4052

Nangangailangan ngayon ng anim na libong scholars ang Technical School and Skills Development Authority o TESDA sa Bulacan sa pagbubukas ng Training for Work Program ngayon buwan ng Oktubre.

Ayon sa TESDA, pagkakataon na ito ng mga nais matuto ng  techincal o vocational skills na makapag-aral ng libre.

Dadaan sa mahigpit na screening at evaluation ang mga aplikante. Kabilang sa requirement ay kinakailangang highschool graduate at may edad na 18 anyos.

Tutulungan din ng TESDA ang mga magtatapos na scholars para makapag trabaho.

Ilan sa mga TESDA courses ay ang welding, dress making, hotel and tourism program, electrical, machineries, ref and aircon at mayroon ding agricultural crops production.

Mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon ay umabot na sa pitong libong scholar ng TESDA ang nakapagtapos sa mahigit isang daang accredited schools sa buong bansa.

 

( Nestor Torres / UNTV Correspondent )

Tags: , , ,