TESDA Dir. Joel Villanueva, Nagpaalam na sa ahensya; kandidatura sa pagka-senador sa 2016, kinumpirma na

by Radyo La Verdad | October 7, 2015 (Wednesday) | 2608

vlcsnap-2015-10-07-20h31m22s398

Sa malaking pagtitipon ng mga TESDA scholar sa Pasay City, idineklara na ni Secretary Joel Villanueva ang kaniyang pagtakbo sa pagkasenador sa halalan sa susunod na taon.

Dinaluhan ito nina Pangulong Benigno Aquino the third at ilang miyembro ng gabinete.

Kasama ring dumalo dito ang pamilya ni Sec. Joel na buo ang suporta sa kaniya

Nagpasalamat naman ang mga ka-partner ng TESDA mula sa sektor ng local government unit, pribado at sektor ng edukasyon kaugnay ng naging pamamahala ng kalihim sa pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan sa TESDA.

Maging ang ilang estudyante ay nagbigay ng testimonya tungkol sa mabuting naidulot sa kanilang buhay ng pagaaral sa TESDA.

Samantala, inendorso na rin ni Pangulong Aquino ang kalihim kaugnay sa kaniyang pagpapatuloy sa paglilingkod bayan.

Pinasalamatan rin ng pangulo si Secretary Villanueva sa ginawang kontribusyon ng Tesda sa sektor ng edukasyon.

Mahigit 120,000 naman ang nakapagtapos sa ilalim ng Private Education Student Financial Assistance habang 43,000 naman ang nakapagtapos sa ilalim ng special training for employment program.

Inaasahan na makakasama si Villanueva sa lineup ng senatoriable ng administrasyon na isasabak sa 2016 na elections sa posibleng ianunsyo ng partido sa darating na biyernes.

Tags: ,