Tensyon sa pagitan ng Saudi at Iran, tinutukan ng pamahalaan ayon sa Malacañang

by Radyo La Verdad | January 6, 2016 (Wednesday) | 1410

jerico_coloma
Patuloy na tinututukan ng pamahalaan sa pamamagitan ng embahada at consulada ang sitwasyon sa Middle East kaugnay ng tensyon sa pagitan ng Saudi at Iran.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., nakahanda ang pamahalaan na magsagawa ng hakbang para pangalagaan ang seguridad ng mga Pilipino sa naturang mga lugar.

Isinasalang alang na din aniya ng gobyerno ang posibleng pagtaas ng produktong petrolyo bunsod ng hidwaan sa pagitan ng dalawang bansa.

Mayroon aniyang contingency measures ang pamahalaan gaya ng renewable fuels program at mayroon na din aniyang pananaw na sa pangmatagalan ay mabawasan ang ayuda sa imported oil.

Bagaman hindi aniya sangkot ang ating bansa sa naturang isyu, umaasa aniya ang pamahalaan na sa kabila noto ay iiral pa rin ang katahimikan at estabilidad sa dalawang bansa.

Dahil mahigit aniya sa dalawa at kalahating milyon ang mga manggagawang Pilipino sa Middle East at sa Saudi lamang ay humigit kumulang sa isang milyon ang mga Pilipino.

(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , , ,