Ten billion dollars, nais i-invest ng Chinese investors sa bansa

by Radyo La Verdad | March 7, 2017 (Tuesday) | 2067


Nais mag-invest ng Chinese investors sa bansa sa mga bagong proyekto na nagkakahalaga ng at least 10 billion dollar dahil sa gumagandang economic ties sa pagitan ng Pilipinas at China.

Ayon sa Board of Investments (BOI), nagpasa na ang limang Chinese company ng letters of intent na mag-explore sa business opportunities sa bansa pagdating sa aviation, oil downstream, renewable energy, iron and steel, at ship building/ship repair industry.

Ang mga Chinese firm ay ang Aviation Industry Corp of China International Aero-Development Corp., Liaoning Bora Enterprise Group Co. Ltd., Huili Investment Fund Management Co. Ltd., Dalian Wanyang Heavy Industries Co., at YiDingTai(YDT) International.

Ang mga nasabing proyek ay makakalikha ng hanggang labing limang libong trabaho para sa mga Filipino.

(Josa Ybañez / Radyo La Verdad)

Tags: , ,