Bagyong Gorio, maliit ang tsansa na tumama sa bansa subalit palalakasin ang habagat

by Radyo La Verdad | July 27, 2017 (Thursday) | 7207


Lalo pang lumakas ang bagyong Gorio habang ito ay nasa silangan ng bansa. Namataan ito ng PAGASA sa layong 595 kilometer sa East Northeast ng Casiguran, Aurora.

Taglay nito ngayon ang lakas ng hangin na 85kph at pagbugso na aabot na sa 105kph. Kumikilos ito pa-hilaga sa bilis na 13 kilometro kada oras.

Pinalalakas ni Gorio ang habagat kaya’t makararanas ng malalakas na mga pagulan sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera, Central Luzon, Calabarzon, Mindoro at Palawan.

Babala ng PAGASA, maaaring magdulot ng mga pagbaha at landslides ang pagulan mararanasan sa mga nasabing lugar.

Samantala, ang Cagayan Valley, Bicol, Marinduque, Romblon at buong Visayas ay magiging makulimlim din na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan. Sa nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog.

Sa linggo o lunes ay posibleng lumabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo at posible ring tumama ang sentro nito sa bansang Taiwan.

Tags: , ,