Mapipilitang umuwi ng Pilipinas ang libo-libong Filipino temporary workers mula Canada dahil sa ipatutupad na four-year rule ng nasabing bansa.
2011 nang pairalin ng Canada ang batas kung saan hanggang apat na taon na lamang maaaring manatili ang temporary foreign workers sa Canada at hindi rin sila maaaring bumalik ng bansa upang magtrabaho roon sa susunod na apat na taon.
Maaari lamang magkaroon ng extension ang mga TFW kung mismong provincial government ng kinabibilangang lalawigan ang hihingi nito.
Kaugnay nito, nagbabala ang Canadian government sa mga lalabag sa batas at mga nagbabalak na magtago.
Tags: Canada, OFW, temporary workers, TFW