Telcos, binigyan ng anim na buwan ng DICT upang maipatupad ang one year validity sa prepaid cellphone load

by Radyo La Verdad | January 5, 2018 (Friday) | 4133

 

Binigyan pa ng anim na buwan ng Department of Information and Communications Technology o DICT ang mga telecommunications company sa bansa upang ayusin ang kanilang sistema at maipatupad ang one year validity sa prepaid cellphone load kahit ano pa ang halaga nito.

Sa inilabas na pahayag ni DICT Officer in Charge Eliseo Rio Jr., hindi naman kasama dito ang mga prepaid load na 300 pesos pataas ang halaga na dapat ay valid na for one year simula ngayong araw.

Paliwanag ni Rio, ibinigay ang extension upang maiwasan na maapektuhan ang sistema ng mga telco sa biglaang pagbabago.

Ipinamomonitor na rin ng kagawaran sa National Telecommunications Commission ang reklamo ng mga consumer kaugnay ng umanoý prepaid load na kinain bago pa ang expiration date nito.

Humingi rin ng paumanhin ang DICT sa publiko dahil sa pagkaantala ng pagpapatupad ng one year load validity na ipinangako nitong magsisimula na ngayong Enero.

Tags: , ,